The best maging 90’s kid.
Walang tatalo sa 1990’s
Masarap maging bata noong 90s.
Siguro nga? Pinanganak ako noong 1994, pero hindi ako sigurado.
Usong uso hanggang ngayon sa mga bata ang bedtime stories para mas mabilis silang makatulog. Hindi ‘ko naranasan ‘yan. Sa halip ako ang nagbabasa ng mga bedtime stories sa harap ng mga magulang ‘ko para mas mahasa ako sa pagbabasa sa murang edad. Oo, nag-enjoy naman ako. Masarap magbasa, lalo na kapag nakikita ‘kong natutuwa sa akin ang nanay at tatay ‘ko. Feeling ‘ko ang tali-talino ‘ko. I was three or four at that time at sobrang matatas na ang pagbabasa ‘ko. T’was 1997 or 1998.
Uso rin ang mga larong kalye noon. Habulan, taguan, langit lupa impyerno. Im. Im. Impyerno. Hindi ‘ko na masyadong alam ‘yung susunod na lyrics. Saksaka puso lalala. Hindi ‘ko naman kasi nalaro ‘yun ng maraming beses. Hindi ‘ko ulit naranasan ‘yan. Minsan pag nasa school ako tatakasan ‘ko yung kamag-anak namin na susunduin ako ng motor para iuwi sa bahay namin, para makapaglaro kasama ng mga kaklase ‘ko habang naghihintay sila ng service nila. Mabibilang ‘ko sa dalawang kamay ‘ko kung ilang beses akong naglaro. Masaya, pero sobrang bitin. Busy ako ‘nun most of the time. Pinaglalaro ako ng kung ano ano. Scrabble, Boggle, Chess, mga larong pampatalino daw. Hindi ako nakakalabas ng bahay kasi kalsada agad ang labas ng bahay pagkatulay mo sa eskenita. Hindi kami nakatira sa subdivision ‘kung saan pwedeng maglaro ang mga batang magkakapitbahay pagkagising nila galing siesta. Mabilis lumawak ang vocabulary ‘ko. Nag-enjoy ulit ako sa mga larong ‘yun, kasi tumatalino naman ako. T’was early 2000s kung saan sobrang kaunti pa lang ng may computer.
Fast forward.
Grade 1 o grade 2 ako nito. Nauso ang GameBoy Color, binili agad ako ng tita ‘ko galing sa Japan. Napirmi ako lalo sa bahay namin kasi nakaka-adik maglaro. Pokemon pa ‘yung bala ng GameBoy ‘ko nun! Hindi ‘ko daw pwede dalhin sa school kasi baka mawala kaya umuuwi ako agad para makapaglaro. Tatakbo sa damuhan, hindi ako, ‘yung character ‘ko sa Pokemon para makahanap ng makakalaban para mas tumaas ‘yung level ng Pokemon ‘ko. Doon lang ako nakaexperience tumakbo ng matagal na matagal. Nakakapagod pala. Napagod ‘yung daliri ‘ko sa kakapindot ng arrow buttons ng GameBoy para makahanap na ako ng kalaban. Ilang beses na rin akong nakapag New Game kasi natapos ‘ko na yung limang malalakas na dapat kalabanin. Nakuha ‘ko na rin ‘yung pangarap ‘kong Pokemon ‘nun, si Dragonair.Minsan, itinakas ‘ko ‘yung GameBoy ‘ko para madala ‘ko sa school. Lalaruin ‘ko sana sa recess. Oha! Recess pa ‘yung tawag nun pag grade school diba. Pinagkaguluhan ako ng mga kaklase ‘ko, ‘yung iba nakikilaro pa. Pag-uwi ‘ko ng lunch break (umuuwi kasi ako every lunch), hinanap sa akin ng nanay ‘ko yung GameBoy ‘ko at napag-alaman na nilang dinala ‘ko ‘yun sa school. Ayun. Grounded. Nawalan ako ng laruan, nawalan ako ng mapagkaka-abalahan sa bahay. In short, grounded.
Fast Forward v2.0
Ngayon, uso na ang kung ano-anong gadgets. Computers, tablets, mobile phones, yadayadayada. Akala ‘ko makakasabay na ako kasi medyo outgrown na ang mga larong pambata. Well in some sort oo nakakasabay ako kasi nabubutingtin ‘ko ang mga bagay na ‘yan. I somehow became adept to these kinds of stuff. But here comes blogging, like what I do.
Sobrang dami ‘kong nababasang blogs from teenagers, ‘yung iba schoolmates ‘ko pa from FEU. Ang dami nilang blogs about fun and games noong bata sila. At sobrang naiinggit ako.
Proud to be 90s kid.
Batang 90s ako.
Ang sarap ng childhood ‘ko kasi pinanganak ako noong 90s.
Masarap naman ang childhood ‘ko. Pero bakit hindi ‘ko naexperience ang lahat ng sinasabi ng blogs nila? Kept me thinking about it. Was I busy being a child? Or was I busy thinking not to disappoint my parents? Nag-enjoy ako in a different way. At ngayong malaki na ako hindi ‘ko alam kung paano hahabulin ang bagay na na-miss out ‘ko na sa kabataan.
Making the story short, I was physically a 90s kid.
Physically, but I don’t embody the memory of a 90s kid. I was a kid in the future noong panahon ‘ko. Busy ako maghanda para sa darating na bukas. Hindi ako nakatakbo, hindi ako nakapagtago, hindi ako nataya ng mga kalaban ‘ko.
Gusto ‘kong magblog ng kagaya ng blog nila. Gusto ‘kong sabihin na minsan sa buhay ‘ko nadungisan ang damit ‘ko kakatakbo. Gusto ‘ko ipagmalaki ang mgapeklat ‘ko kasi nadapa ako. Gusto ‘ko rin sabihin na the best ang panahong 1990s. Pero kahit anong gawin ‘ko, OP talaga ako bilang 90s kid.